BATA PA AKO, SIKAT NA SIKAT NA ANG BUREAU OF CUSTOM. IBA ANG DATING KAPAG IKAW AY NAGTRATRABAHO SA SANGAY NA ITO NG ATING PAMAHALAAN. MARAMI AKONG MGA KAKILALA, KAIBIGAN, KALARO, KAKLASE NA KUNG SAAN ANG KANILANG MGA MAGULANG AT KAPATID AY PAWANG NAGTRATRABAHO SA “BUREAU OF CUSTOM”, SILA YUNG MAYROONG MAGAGARA AT IMPORTED NA MGA LARUAN, MAY IBAT-IBANG PX GOODS, TULAD NG ALAK, BLUE SEALS NA SIGARILYO AT SAMUT-SARING MGA DELATA AT MGA TSOKOLATE. IBA RIN ANG MGA KASANGKAPAN AT KAGAMITAN NILA SA BAHAY. IMPORTED AND KANILANG MGA KASUOTAN TULAD NG DAMIT AT SAPATOS. KAILAN MAN AY DI SUMAGI SA AKING ISIPAN NA ANG MGA KAGAMITANG ITO AY PUSLIT O PALUSOT. ANG BUONG AKALA KO NOON AY LUBHANG MALAKI ANG SWELDO NG MGA TAONG NAGTATRABAHO SA “BUREAU OF CUSTOM” DAHIL DITO, KAYA NILANG SUPORTAHAN ANG MALUHONG PAMUMUHAY. NANG AKO AY TUMUNTONG NG “HIGH SCHOOL” NAG IBA ANG AKING PANANAW SA MGA KAWANI NG KAGAWARAN NG ADWANA O BUREAU OF CUSTOM. DI KO NAMAN NILALAHAT SUBALIT KAPAG SINABING “TAGA CUSTOM Y...