KUNG TAMA PO ANG AKING PAGKAKAINTINDI SA KWENTUHAN NG ATING PRESIDENTE DUTERTE AT ATTY. PANELO NA AYON SA KANILA AY NAGKAMALI ANG AQUINO ADMINISTRATION SA PAGBIBIGAY NG AMNESTIYA SAPAGKAT WALA SA POSISYON SI DATING DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN NA MAGBIGAY NG AMESTIYA KAY TRILLANES SAPAGKAT AYON SA SALIGANG BATAS TANGING ANG PANGULO LAMANG ANG MAY KARAPATAN AT KAPANGYARIHAN NA MAGBIGAY NG AMNESTIYA.
SUBALIT ANG NAKAPAGTATAKA BAKIT SI TRILLANES ANG KANILANG HINAHABOL AT ANG PAKSA NG PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO.572 NA NAGDEDEKLARA NA WALANG BISA ANG AMNESTIYA NA IPINAGKALOOB SA KANYA NG NAKARAANG ADMINISTRASYON KAYAT SIYA AY DA[AT ARESTUHIN AT MULING LITISIN.
BAKIT SI TRILLANES ANG KANILANG HINAHABOL AT HINDI ANG ADMINISTRASYONG AQUINO. SA GANANG AKIN, ANG DAPAT NILANG HABULIN AT KUWESTYUNIN AY ANG ADMINISTRASYON NI DATING PRESIDENTE AQUINO AT NA AYON SA KANILA ANG NAGKAMALI SA PAGBIBIGAY NG AMNESTIYA HINDI ANG GRUPO NI TRILLANES NA TUMANGGAP NG NASABING AMNESTIYA.
SANA PO MAHAL NA PANGULO HUWAG KAYONG PADADALA SA ANUMANG MGA NEGATIBONG KOMENTO TUNGKOL SA INYO AT SANA ANG PAG-UNLAD NG ATING BANSA ANG INYONG ISAALANG-ALANG AT MAGING MASAGAWA AT MAGINHAWA ANG BUHAY NG MGA MAHIHIRAP NA UMAASA AT NAGTITIWALA SA INYO.
Comments
Post a Comment